INFA PROJECTS | Bigat ng daloy ng trapiko, mas lalala

Manila, Philippines – Asahan na sa susunod na taon ang pagbigat pa lalo ng daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil sa infrastructure projects ng pamahalaan.

Kaya naman ngayon palang nanawagan na ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na habaan pa ang pasensya.

Kabilang sa mga proyektong ito ang:
Common station para sa Metro’s three train systems;
Light Rail Transit-1 (LRT-1) Extension;
Metro Manila Subway System;
South Integrated Terminal;
At ang rehabilitasyon ng Guadalupe Bridge.


Target naman ng gobyerno na matapos ang mga proyekto bago bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte.

Facebook Comments