Infant formula products na pinullout ng Nestlé sa merkado, nakitaan ng toxin — FDA

Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na nakitaan ng “very low levels” ng cereulide ang NAN Optipro at NANKID Optipro infant formula products na boluntaryong inalis ng Nestlé mula sa merkado.

Ang cereulide ay isang uri ng toxin na pinoprodyus ng microorganism na Bacillus cereus, na maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng pagsusuka at pananakit ng tiyan (gastrointestinal illness).

Nilinaw ng FDA na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat ng mga sanggol na nagkasakit matapos uminom ng naturang mga produkto.

Patuloy ang boluntaryong pag-recall ng Nestlé sa mga apektadong batch sa mga pisikal at online retail outlets.

Hinihimok ng FDA ang mga lokal na pamahalaan at mga retailer na tiyakin na walang maibebenta o mailalagay sa pamilihan ang anumang kontaminadong batch habang nagpapatuloy ang beripikasyon at pag-pullout.

Facebook Comments