Infectious disease expert, inihayag ang tatlong dapat na dahilan para itigil na ang pagsusuot ng face mask

Inihayag ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvaña sa Laging Handa public press briefing na dapat ay maisakatuparan muna ang tatlong hakbang bago alisin ang pagsusuot ng face mask.

Una aniya, mahalaga na mayroong deklarasyon mula sa World Health Organization (WHO) na sinasabing tapos na ang pandemya sa COVID-19.

Pangalawa dapat ay makuha ng gobyerno ang mataas na antas ng vaccination at boosting lalo na sa mga vulnerable population para hindi mapuno ang mga ospital.


Pangatlo ayon kay Dr. Salvaña ay dapat efficient na ang healthcare system sa bansa sa pag-accommodate ng mga pasyente para hindi marami ang mamatay kung sakaling muling magkaroon ng outbreak.

Samantala, naniniwala naman si Dr. Salvaña na hindi na magtatagal ay magdedeklara na ang WHO ng endemic.

Ibig sabihin aniya nito, predictable na ang pinsala ng COVID-19 dahil sa mayroong nang gamot sa mga taong nakakaranas ng malalang sakit dahil sa COVID-19 katulad ng Paxlovid, Molnupiravir at Remdesivir at ituloy ang pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments