Pinag-iingat ng isang Infectious Disease Expert ang publiko laban sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng El Niño.
Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Dr. Rontgene Solante na ang mga sakit tulad ng typhoid fever na mula sa salmonella, hepatitis A, at cholera ay common sa panahon ng El Niño.
Para naman aniya sa mga virus, o mga viral infection na karaniwang kumakalat ay rota virus at novo virus tulad ng amoebiasis.
Paliwanag ni Solante, ang mga sakit na ito ay sumusulpot aniya dahil sa pag-iipon ng tubig sa panahon ng El Niño, na nauuwi sa kontaminasyon na naiinom ng tao.
Dumarami rin aniya ang bilang ng mga nagkakasakit sa malaria at dengue sa panahon ng El Niño dahil sa parehong dahilan sapagkat namamahay ang mga lamok sa mga nakaimbak na tubig na walang takip.
Pero, ang dengue aniya talaga ay sadyang mataas na ang kaso kahit wala pang El Niño.
Sa katunayan ayon kay Solante, pangatlo ang Pilipinas ngayong taon sa mga bansa sa Asya na may pinakamataas na kaso ng dengue.
Dagdag pa ni Solante na mayroon ding chikungunya at zika virus.
Kaya payo ni Solante, mas maging maingat upang hindi dapuan ng mga sakit na ito.