Infectious disease expert, nagbabala sa publiko sa pagpapaturok ng hindi rehistradong bakuna

Nagbabala ang isang infectious disease expert sa publiko laban sa pagpapaturok ng hindi rehistradong bakuna laban sa COVID-19 dahil maaaring magdulot lamang ito ng panganib sa kalusugan ng tao.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, director ng University of the Philippines – Institute of Molecular Biology and Biotechnology, ang mga hindi aprubado at hindi rehistradong bakuna ay sobrang mapanganib dahil hindi tiyak kung mabisa ito.

Iginiit ni Salvana, na wala pang rehistradong COVID-19 vaccine sa Pilipinas.


Hinikayat niya ang publiko na huwag isugal ang buhay para lang sa mga hindi rehistradong bakuna.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa 469,886 ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa, 438,678 ang gumaling habang 9,109 ang namatay.

Aabot sa 22,099 ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.

Facebook Comments