Inflation, agad na pinasosolusyunan kay PBBM

Pinauuna ni Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na solusyunan ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Naniniwala ang economist solon na ito ang isa sa mga dapat unahin ng administrasyong Marcos para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Giit ng kongresista, bagama’t 84% ng inflation ay “imported” o ibig sabihin dahil sa presyuhan sa world market, kakayanin itong makontrol sa pamamagitan ng pagbibigay ng “extra power” sa pangulo.


Sa ibibigay na kapangyarihan sa presidente ay maaari nitong bawalan ang hoarding, makapagbigay ng pautang, pagpapababa sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pagbibigay ng insentibo sa mga manufacturers at micro, small and medium enterprises (MSMEs) na makatutulong para maibaba ang inflation rate sa bansa.

Maliban sa problema sa inflation, pinauuna rin ng mambabatas sa pangulo ang pagkakaroon pa ng mga dagdag na trabaho, paghikayat sa mga mamumuhunan na magnegosyo sa bansa, pagkontrol sa pagkalat ng pandemya at pagbabawas sa utang ang bansa.

Aniya pa, malaki ang inaasahan ng publiko sa pangulo at dapat gamitin niya ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) para mailatag ang mga plano niyang gawin sa bansa.

Facebook Comments