Agad na pinatutugunan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang usapin ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at sweldo sa bansa.
Bunsod na rin ito ng mabilis na pagtaas ng bilang ng involuntary hunger sa bansa na ayon kay Villanueva ay sadyang nakakabahala at nakakapanlumo.
Sinabi ni Villanueva na dalawang bagay ang kailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan para masolusyunan ang mataas na involuntary hunger, ito ay ang inflation at sweldo na pangunahing concern ng mga Pilipino.
Kailangan aniyang magpatupad ng mga polisiya para maibaba ang inflation tulad ng pagpapalakas ng domestic production ng mga pangunahing bilihin gayundin ang pagpapaigting ng mga patubig na programa ng bansa at pagpapalakas ng agrikultura.
Dagdag dito ay sinusuportahan din nila ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na i-review ang umiiral na regional wages para matapatan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga manggagawa.