INFLATION | Economic leaders ng Duterte administration tinawag na inutil ng grupong Bayan

Manila, Philippines – Ikinababahala ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Bayan Secretary Gen Renato Reyes tila walang plano ang economic managers ng Duterte administration na pahupain ang mataas na inflation.

Sinabi ni Reyes na inutil ang economic managers ng administrasyong Duterte dahil bigo ang mga ito na lutasin ang mga problema ng bansa lalong lalo na ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo na ramdam na ramdam ng mga ordinaryong mamamayan.


Sa ngayon aniya napakahalaga na tanggalin na ang excise tax sa langis bilang isang kagyat na lunas para sa nagtatataasang presyo ng mga bilihin.

Hindi na rin aniya dapat pang ipataw ang susunod na tranche ng TRAIN law para sa excise tax sa langis, na magiging epektibo magmula a-uno ng Enero sa susunod na taon

Sinabi pa ng grupo na wala nang ihihigpit pa ng sinturon si Juan Dela Cruz kung kaya at asahan na ang malungkot na Pasko ang naghihintay sa nakararaming Pilipino.

Facebook Comments