Inaasahang aabot sa 2.7 hanggang 3.5 ang Inflation Rate ng bansa nitong Abril.
Ito ay batay sa pagtaya ng Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa BSP, hindi makakaapekto sa Inflation Rate ng bansa ang mataas na presyo sa produkto ng langis at bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente.
Bumaba naman kasi ang presyo ng bigas habang tumaas ang halaga ng Piso kontra sa Dolyar.
Nakatakdang ilabas sa ika-pito ng mayo ng Philippine Statistic Authority o PSA ang opisyal na Inflation Rate ng bansa para sa buwan ng Abril.
Facebook Comments