Inflation forecast para sa taong 2020, itinaas ng BSP

Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation forecast para sa taong 2020.

Sa pagtataya ng BSP, mula sa 2.9% ay posibleng pumalo sa 3% ang inflation o ang kabuoang pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo.

Ayon kay BSP Deputy Goveronor Francisco Dakila Jr. – posibleng makaapekto sa inflation nang ang African swine fever (ASF) at ang pagputok ng Bulkang Taal.


Magkakaroon din ng epekto sa ekonomiya ang 2019 novel coronavirus partikular sa turismo at sa pinapadalang remittances ng mga OFW.

Facebook Comments