Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hihina ang inflation sa ikatlong kwarter ng taon.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno – posibleng hindi lalagpas sa dalawang porsiyento ang inflation bunsod na rin ng pagtatag ng presyo ng gasolina, maging ang bigas.
Sinabi naman ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr. – bumaba ang presyo ng bigas dahil sa nagpapatuloy na harvest season at patuloy na pagdating ng mga imported.
Tinatayang umangat ng anim na porsyento ang ekonomiya ng bansa sa second quarter dahil sa maayos na government spending.
Target ng pamahalaan na umabot sa average na 6.1% ang economy expansion sa susunod na tatlong quarter upang makamit ang full-year growth target na 6-7%.
Facebook Comments