
Nananatiling manageable ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos pumalo sa 2.4 percent ang inflation nitong nakalipas na Pebrero.
Ayon sa BSP, pasok pa rin ito sa kanilang pagtaya na 2.3 hanggang 3.1 percent.
Kaugnay nito, sinabi ng BSP na bahagyang tumaas sa 3.6 percent ang inflation forecast para sa taong 2026 na dulot ng supply-side pressures.
Pagsapit naman ng 2027, inaasahang babagal na ang inflation sa 3.2 percent na malapit sa target ng pamahalaan na 3 percent.
Sa ngayon ay binabantayan ng BSP ang sitwasyon lalo na’t may nangyayaring tensiyon sa Middle East at ang mga epekto nito sa inflation at sa ekonomiya ng bansa.
Nakaayon din anila ang kanilang policy settings para mapanatili ang katatagan ng presyo ng mga bilihin upang masuportahan ang paglago ng ekonomiya at paglikha ng mga hanapbuhay.










