Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng umabot ng 6.3 hanggang 7.1 percent ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Abril.
Ito ay mas mababa kumpara sa 7.6% inflation rate ng bansa sa nakalipas na buwan ng Marso.
Ayon sa BSP, ang inaasahang pagbaba ng inflation rate ng bansa ay bunga ng pagbaba ng singil sa kuryente, gayundin sa pagbaba ng halaga ng isda at mga gulay.
Nakatulong din ang pagbaba ng halaga ng presyo ng LPG.
Sa kabila nito, tiniyak ng BSP na nakahanda sila sa mga posibleng paggalaw ng inflation ng bansa.
Facebook Comments