Inflation ngayong Abril, posibleng umabot hanggang mahigit apat na porsyento ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas

Posibleng pumalo sa 3.5 percent hanggang 4.3 percent ang antas ng inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa ngayong Abril.

Ito ay batas sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ipinunto ng BSP ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, karne at petrolyo at ang paghina ng piso kontra dolyar.


Pero maaari anila itong kontrahin ng pagbaba naman ng presyo ng isda, gulay, prutas at singil sa kuryente.

Noong Marso, bahagyang tumaas sa 3.7 percent ang inflation mula sa 3.4 percent na naitala noong Pebrero.

Tiniyak naman ng BSP na patuloy silang nakabantay sa inflation at paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang datos kaugnay sa inflation sa May 7.

Facebook Comments