Inflation ngayong Disyembre, inaasahang bibilis pa – BSP

Inaasahang patuloy na bibilis ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa sa ikatlong sunod na buwan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), epekto ito ng mga nagdaang bagyo na tumama sa bansa, mas mataas na singil sa kuryente at presyo ng petrolyo.

Makakaapekto rin sa inflation ang mababang presyo ng mga agricultural commodities gaya ng bigas.


Naglalaro sa 2.3 percent hanggang 3.1 percent ang inaasahang magiging inflation ngayong buwan ng Disyembre o bago matapos ang taon.

Mas mabilis ito sa 2.5 percent na naitala noong Nobyembre.

Samantala, ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang datos sa inflation sa January 7, 2025.

Facebook Comments