Inflation nitong Agosto, posibleng bumilis —BSP

Posibleng bahagyang bumilis ang inflation o antas ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa nitong Agosto.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang papalo ang inflation noong nakaraang buwan sa pagitan ng 1.0% hanggang 1.8%.

Posible anilang nakaapekto ang mga nagdaang sama ng panahon na nagdulot ng pagtaas sa presyo ng prutas, gulay, at isda.

Dagdag pa rito ang mas mataas na singil sa kuryente, presyo ng langis, at paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

Gayunman, inaasahang mahahatak naman ito ng pagbaba ng presyo ng bigas at karne.

Tiniyak ng BSP na patuloy nilang babantayan ang mga galaw ng presyo at ekonomiya bilang gabay sa kanilang mga desisyon sa polisiya.

Noong nakaraang July, bumagal ang inflation sa 0.9% mula sa 1.4% noong Hunyo na pinakamababa mula Oktubre 2019.

Facebook Comments