Inflation nitong buwan ng Mayo, bumagal pa sa mahigit 1% —PSA

Inihayag ngayon ng Philippine Statistic Authority o PSA na bumagal pa sa 1.3% ang headline inflation ng bansa para sa buwan ng Mayo, mula ito sa 1.4% na naitala noong Abril at 3.9% na sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa PSA, ito na ang pinakamababang inflation rate mula noong buwan ng Nobyembre ng taong 2019.

Paliwanag pa ng PSA na lumalabas na ang average inflation rate mula Enero hanggang Mayo ay nasa antas na 1.9%.

Sabi ng PSA na kabilang sa mga dahilan ng mas mababang antas ng inflation ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng kuryente at tubig, gayundin ang mabagal na pagtaas ng presyo ng restaurants at accommodation services, at gasolina at diesel.

Habang nananatili namang mababa ang rice inflation na nasa -12.8%.

Dagdag naman ng PSA na pagdating naman sa National Capital Region (NCR), bumagal din ang headline inflation sa antas na 1.7% nitong buwan ng Mayo ngayong taon.

Facebook Comments