Mananatili sa 2.0% hanggang 4.0% ang target range ng inflation ng administrasyong Marcos hanggang sa 2028.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ikinonsidera sa inflation outlook ang monetary policy actions ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Bunsod din aniya ito ng ginawang assessment ng pamahalaan sa internal at external development na nakakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Maging ang iba pang hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan.
Samantala, inaasahan naman na papalo sa ₱4.270 trillion ang kita ng gobyerno ngayong taon.
Posible rin aniya itong umakyat sa ₱6.078 trillion sa 2028 dahil sa mga reporma sa tax administration at modernisasyon ng Philippine Tax System.