Friday, January 23, 2026

Inflation outlook sa bansa, nananatiling kontrolado ng pamahalaan —Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na kontrolado ng pamahalaan ang posibleng pagtaas ng inflation sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nananatili sa target ng gobyerno ang inflation para sa mga taong 2026 at 2027.

Sinabi ni Castro na mababa pa rin ang headline inflation, pati na ang inflation na nararanasan ng pinakamababang 30% ng mga pamilyang Pilipino.

Ipinaliwanag din niya na bagama’t naapektuhan ang produksyon dahil sa mahinang kumpiyansa ng merkado, inaasahang unti-unting gaganda ang takbo ng ekonomiya simula ikalawang quarter ng 2026 hanggang 2027.

Gayunman, aminado ang Malacañang na may mabibigat pang hamon sa paglago ng ekonomiya, lalo na kung mabagal ang pagbabalik ng tiwala ng mga mamumuhunan at konsumer.

Facebook Comments