Posibleng bumaba sa 2.2% hanggang 3.0% ang inflation rate ngayong Hunyo.
Ito ay base sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang inaasahang pagbagal ng inflation rate ay dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas, langis, singil sa kuryente at paglakas ng piso kontra dolyar.
Matatandaang nitong mayo, bahagyang tumaas sa 3.2% ang inflation rate ang kauna-unahang pagtaas sa loob ng pitong buwan simula noong October 2018.
Tiniyak naman ng BSP na patuloy nilang babantayan ang pagbabago sa inflation rate.
Facebook Comments