Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatiling mabagal ang inflation o bilis ng pag-akyat ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong Marso.
Ito ay kasabay ng pagbaba ng presyo ng agricultural commodities.
Ayon sa BSP, nakikita ng kanilang Department of Economic Research na ang March inflation ay papalo lamang sa 3.1% hanggang 3.9%.
Sakaling patuloy na bumaba ang inflation ngayong buwan, ay ito na ang ikalimang sunod na downtrend.
Matatandaang nasa 3.8% ang inflation rate na naitala noong Pebrero.
Sa kabila nito, patuloy silang mag-mo-monitor sa paggalaw ng inflation at tiniyak na ang monetary policy ay nananatiling angkop para suportahan ang price stability objectives.
Facebook Comments