Nagbabala ang ilang mga ekonomista sa Kamara sa iba pang posibleng dahilan ng pagtaas ng inflation.
Ito ay kahit naitala ang pagbaba ng inflation rate sa 3.8% nitong Pebrero.
Ayon kay 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero, hindi dapat maging kampante ang pamahalaan dahil aakyat muli ang inflation.
Ilan sa mga posibilidad ng pagtaas ng inflation ay hindi pag-mitigate ng epekto ng El Nino, hindi pagkontrol sa renta ng housing at business space, hindi pagpapatupad agad sa probisyon ng Rice Tariff Law at hindi pagsususpinde ng fuel excise tax.
Inirekomenda naman ng mambabatas ang medium to long term solution para solusyunan ang inflation.
Kabilang dito ang gawing 30 araw ang mandatory reserve sa mga fuel products, pagtatatag ng National fuel reserves at pagpapalabas ng panibagong retail treasury bonds.