INFLATION RATE | ALU-TUCP, hiniling na ipagkaloob na ang 500 grocery voucher

Manila, Philippines – Dahil sa muling pagsipa ng inflation rate, iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan na ang hinihingi nilang P500 na grocery vouchers para sa may 4 million na minimum wage contractualized at endo workers sa bansa.

Ayon kay Allan Tanjusay, Spokesperson ng ALU-TUCP, patuloy na kinakain ng mataas na presyo ng bigas, gastusin sa transportasyon at gastusin sa pagpapaaral ang naiuuwing arawang kita ng bawat manggagawa.

Pero hanggang ngayon ay walang safety nets ang gobyerno at mga employers para protektahan ang mga manggagawa.


Aniya, kung may pagkalinga ang mga employers at mga kumpanya sa isang ekstra ordinaryong panahon ngayon, mainam na makapagbigay muna ng non-cash fringe benefits para makaramdam ng konting ginhawa ang mga manggagawa.

May pending na petisyon na para dito ang grupo kay Pangulong Duterte.

Pero, ang inindorso ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay P200 month lamang.

Facebook Comments