Bumaba na sa 0.9 percent ang inflation rate.
Sa report ng Philippine Statistics office, naitala na ang inflation rate sa 0.9 percent para sa buwan ng Setyembre.
Ito ay mas mababa pa kung ihahambing sa 1.7 percent na naitala noong buwan ng Agosto.
Bunga naman ito ng patuloy na pagbagal ng galaw ng 4 major commodity.
Kabilang dito ang presyo ng mga food items, alcoholic beverages at sa transportation expenses at bayarin sa pabahay.
Nakapagtala naman ng 1.3 percent na pagbaba ng inflation rate sa mga lugar sa Region 9 o Zambonga Peninsula.
Habang nanatiling mataas o nasa 2.2 percent naman ang naitala sa MIMAROPA region.
Facebook Comments