Inflation rate, bumaba nitong nakaraang buwan

Inihayag ngayon ng Presidential Communications Office o PCO na bumaba sa 8.6% ang inflation rate nitong buwan ng Pebrero ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ang inflation rate nitong Pebrero 2023 ay mas mababa kumpara sa 8.7% noong Enero 2023.

Ayon sa PCO, dulot na rin ito ng bahagyang pagbaba ng presyo ng mga pagkain at produktong petrolyo.


Kaugnay nito ay sinabi ni PCO Secretary Cheloy Garafil na patuloy ang pagpapatupad ng mga programa at inisyatibo ng pamahalaan upang tugunan ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Facebook Comments