Inflation rate, bumaba sa buwan ng June 2019

Bumaba ng 2.7% ang Inflation rate sa buwan ng Hunyo 2019.

Ito ang pinakamababang inflation rate mula noong September 2017.

Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 0.2% ang Consumer Price Index (CPI) sa buwan ng Hunyo kung ihahambing sa 0.3% noong Mayo 2019.


Bumaba rin ng 4.5% ang education index na sinasabing dulot ng ipinatutupad na free tuition fee sa mga state universities at colleges.

Naitala ang mababang inflation sa mga rehiyon na nasa labas ng  NCR maliban sa MIMAROPA region.

Facebook Comments