Manila, Philippines – Nakapagpaliwanag na ang Economic Managers ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa inflation sa naganap na Cabinet meeting kagabi.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, inilatag ng mga economic managers kung ano ang dahilan ng pagtaas ng inflation at kung ano ang lagay ng inflation sa bansa.
Sinabi ni Roque na umabot man sa 6.4% ang inflation noong nakaraang Agosto ay nasa 4.8% lang naman ang average inflation rate para sa taong 2018 na mababa pa kung tutuusin.
Kaya naman sinabi ni Roque na hindi dapat mabahala ang publiko dahil inaasahang bababa parin ang inflation sa 4th quarter ng taon.
Nakapag sumite narin aniya ng Joint Statement ang Economic Cluster ni Pangulog Duterte hinggil sa Inflation.
Facebook Comments