Muling bumagal ang inflation rate para sa buwan ng Hulyo.
Batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ito ngayon sa 2.4% na mas mababa sa 2.7% noong buwan ng Hunyo.
Ito na ang pinakamabagal na inflation rate kung ikukumpara noong January 2017.
Bunsod naman ito ng pagbaba sa presyo ng pagkain at mga non-alcoholic beverages, bayarin sa pabahay, tubig, housing, elektrisidad at fuel.
Ang mababang antas ng inflation ay naitala sa mga lugar sa labas ng NCR tulad ng Region VII (Central Visayas) na naitala sa 1.1 percent.
Facebook Comments