Inflation rate ng bansa nanatili sa 3% ayon sa PSA

Pwede nang umabot sa pre-pandemic ang sitwasyon ng gross domestic product sa bansa ngayong 1st quarter kung magtutuloy-tuloy ang mababa ng kaso ng COVID-19.

Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistic Authority (PSA) napanatili sa 3% ang inflation rate o bilis ng paggalaw ng presyo ng serbisyo ar mga pangunahing bilihin sa buwan ng Feb. 2022.

Kaparehas ito ng inflation rate noong January 2022.


Ayon kay PSA Usec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ang pangunahing malaking naiambag sa overall inflation ay ang housing, water, electricity, gas at others fuels na may inflation na 4.8% at 33.9% share sa pangkalahatang inflation.

Ito ay dahil sa patuloy na pag taas ng presyo ng kuryente 3.5%, LPG 17.6%, renta sa bahay 1.4% inflation.

Pumangalawa ang transportasyon sa may malaking naiambag sa overall inflation sa bilang na 8.8% at 26.3 inflation share.

Gasolina ang isa sa pangunahing dahilan ng inflation sa transportasyon.

Facebook Comments