Inflation rate ng bansa, posibleng tumaas sa kalagitnaan at huling bahagi ng taon

Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas o ng BSP ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto sa ikatlo at ika-apat na quarter ng 2022.

Ito ay bunga ng paggalaw ng pandaigdigang presyo ng mga produkto.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, inaasahan na nila ang inflation na 2 porsyento hanggang 4 porsyento, sa kalagitnaan ng taon dahil sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng oil at non- oil products.


Sinabi ni Sec. Diokno na ang pressure ng global crude oil price ay dulot ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Facebook Comments