Inflation rate ng Pilipinas ngayong Agosto, posibleng maglaro sa 2.5 hanggang 3.3 percent; economic activity ng bansa, bumubuti na ayon sa DOLE

Posibleng maglaro sa 2.5 hanggang 3.3 percent ang inflation rate ng Pilipinas para sa buwan ng Agosto batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, mas mataas ito sa naitalang 2.7 percent nitong Hulyo.

Ang pagtaas ay bunsod ng paiba-ibang presyo ng langis tulad ng gasolina at Liquefied Petroleum Gas (LPG).


Samantala, unti-unti nang bumubuti ang economic activity ng bansa ngayong niluwagan na ang community quarantine.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, bahagya nang nakakabawi ang iba’t-ibang kumpanya o establisyemento, kumpara noong isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang karamihan sa mga lugar sa bansa.

Habang ikinabahala rin ni Bello ang lumabas na datos sa isang international e-commerce website na nagsasabing isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakamababang magpasweldo.

Kung sa laki o halaga kasi aniya ng sweldo ang pag-uusapan, kongreso na ang may kapangyarihang magdikta rito alinsunod sa batas.

May tripartite board din na nakatuon para suriin ang economic situation sa bawat rehiyon, para makapagbigay ng wage adjustment kada taon.

Facebook Comments