Inflation rate ng Pilipinas ngayong buwan, mananatiling mataas, ayon sa BSP

Mananatiling mataas ang inflation rate o pagbilis ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo ng Pilipinas ngayong buwan ng Agosto.

Ito ay kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasunod ng isinagawa nilang survey.

Ayon sa BSP, batay sa prediksyon ng mga eksperto sa pribadong sektor ay patuloy na tataas ang inflation rate ngayong taon bago bumaba sa mga susunod na taon.


Dagdag ng BSP, inaasahan na nila na papalo ito sa average na 5.4% ngayong taon, 4.2% sa susunod na taon at 3.7% naman para sa taong 2024.

Maliban pa dito, umaasa rin ang Central Bank na lalampas ang inflation sa target range ng pamahalaan ngayong taon.

Sinabi ng BSP na ang patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at “second-round effects” ang dahilan ng pagkontrol ng produksyon sa mga produkto at serbisyo maging ang paghahatid sa mga pamilihan na nakakaapekto sa inflation rate ng bansa.

Facebook Comments