Manila, Philippines – Positibo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa pa ang inflation ngayong Disyembre.
Sa pagtaya ng Department of Economic Research ng Central Bank, inaasahan nito na papalo ang inflation ngayong buwan sa 5.2 hanggang 6 percent.
Matatandaang bumaba sa 6 percent ang inflation noong Nobyembre mula sa 6.7 percent na naitala noong Setyembre at Oktubre na pinakamataas sa siyam na taon.
Ang pagbaba sa inflation ay dahil sa patuloy na pagbaba sa presyo ng petrolyo, bawas-pasahe sa jeep mula P10 sa P9 at ang bahagyang paglakas ng piso kontra dolyar.
Pumalo ang average ng inflation mula Enero hanggang Nobyembre sa 5.2 percent na mas mataas sa target ng BSP na 2 hanggang 4 percent lamang.
Facebook Comments