Inflation rate ngayong Hulyo, posibleng maglaro sa 2.2 hanggang 3%

Posibleng maglaro sa 2.2 hanggang 3% ang inflation rate ngayong Hulyo.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bunsod ito ng paglobo ng presyo dahil sa mataas na halaga ng produktong langis at bigas.

Tiniyak naman ng BSP na patuloy nilang imo-monitor ang economic at financial developments ng bansa para matiyak na nananatiling consistent ang monetary policy.


Matatandaang una nang pumalo sa 2.5% ang Consumer Price Index (CPI) nitong Hunyo.

Facebook Comments