Inflation rate ngayong Hunyo, posibleng tumaas ayon sa BSP

Posibleng pumalo sa 3.9 hanggang 4.7 percent ang magiging inflation rate ngayong Hunyo.

Batay sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dahil ito sa pagtaas ng halaga ng kuryente at presyo ng mga produktong petrolyo kaya posibleng manatiling mataas ang inflation.

Mas mataas naman ito kumpara sa target rate ng BSP na 2 percent hanggang 4 percent.


Paliwanag pa ng BSP, ang naturang forecast ay maiuugnay sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at halaga ng singil kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Matatandaang nitong nakalipas na mga linggo, madalas ianunsiyo ng mga kompanya ng langis ang serye ng price hike sa gasolina, kerosene at diesel.

Facebook Comments