Inflation rate ngayong June, bahagyang bumilis

Bahagyang bumilis ang inflation ngayong buwan ng Hunyo kumpara noong Mayo ngayong taon.

Ang inflation ay ang pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa.

Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General (NSCRG) ng Philippine Statistics Authority o PSA Usec. Claire Dennis Mapa, mula sa dating 1.3% inflation noong Mayo ay naging 1.4% ito ngayong buwan.

Pangunahing dahilan sa inflation rate ngayong buwan ay ang mabilis na pagtaas ng singil sa kuryente.

Sunod dito ang transportasyon dahil sa mabagal na pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.

Pangatlong nakaapekto sa pagbilis ng inflation ay ang edukasyon dahil sa mataas na matrikula sa elementary, secondary, at tertiary level.

Facebook Comments