Inflation rate ngayong Mayo, inaasahang gaganda ayon sa BSP

Bahagyang gaganda ang presyo ng bilihin sa merkado dahil sa inaasahang pagbaba ng inflation rate ng bansa ngayong Mayo ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Bumaba ang inflation rate ng bansa mula 4.5% nitong Abril na tinatayang 4.4% hanggang 4-4.8%.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, asahang bababa na ang presyo ng bigas, gulay at isda.


Patuloy namang babantayan ng BSP ang pinansyal at ekonomiyang pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments