Posibleng maglaro sa 4.5 hanggang 5.3 percent ang maitalang inflation rate ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), malaki ang epekto sa consumer price index (CPI) ng sunod-sunod na oil price hike, mataas na singgil sa kuryente, mataas na presyo ng isda at mga prutas at pagbaba ng halaga ng piso.
Gayunman, maaari namang makabawi ang bansa sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas at karne dahil sa pagdating ng importasyon ng baboy.
Tiniyak din ng BSP na patuloy nilang susubaybayan ang price development para matiyak ang balanse at malagong ekonomiya sa bansa.
Matatandaang bumagal sa 4.8 percent ang inflation rate noong September.
Facebook Comments