Inflation rate ngayong Oktubre, posibleng umakyat pa sa 7.9% – BSP

Posibleng pumalo sa 7.1% hanggang 7.9% ang inflation rate sa bansa ngayong Oktubre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), higit na mas mataas ito sa 6.9% na naitala noong Setyembre, na aabot sa 2% hanggang 4% na target para sa ikapitong sunod na buwan.

Maaari ring malampasan ng pagtataya ang 13-year highs ngayong buwan dahil sa transport fare hikes, paghina ng piso kontra dolyar, pagsirit ng presyo ng petrolyo at agricultural commodities dahil sa mga kalamidad.


Sakali namang umakyat ang inflation rate sa higit 7.2%, ay malalampasan nito ang 7.2% na naitala noong Pebrero 2009.

Sa huling datos, pumalo na sa 57 pesos ang palitan ng piso kontra dolyar na dahilan ng pagtaas din ng presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments