Tiwala ang Department of Finance (DOF) na on track pa rin ang bansa sa inflation target ngayong taon.
Sa kabila ito ng bahagyang pagsipa ng presyo ng mga bilihin nitong nakalipas na Oktubre.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, may iba’t ibang dahilan ang pagtaas ng inflation rate noong nakaraang buwan gaya ng mga nagdaang sama ng panahon.
Batay sa datos, pumalo sa 2.3% ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa noong Oktubre na mas mataas kumpara sa 1.9% na naitala noong Setyembre.
Sa kabila niyan, mas mababa pa rin naman ito sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Naglalaro na ngayon sa 3.3 percent ang average inflation rate ng Pilipinas mula nang pumasok ang taon.
Pero pasok pa rin ito sa target ng pamahalaan na dalawa hanggang apat na porsyento ngayong 2024.