Inflation rate nitong Agosto, bahagyang bumagal – PSA

Bahagyang bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Agosto 2022.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 6.3% na inflation rate nitong nakaraang buwan na mas mabagal sa 6.4% noong Hulyo.

Dahil dito, ang year-to-date average inflation mula Enero hanggang Agosto ay 4.9%, pasok pa rin sa 4.5% hanggang 5.5% na assumption ng administrasyong Marcos para sa taong ito.


Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pagbagal ng antas ng inflation noong Agosto ay dahil sa mas mabagal na paggalaw ng presyo ng transport na may 14.6% inflation at ang food and non-alcoholic beverages na may 6.3% inflation.

Sa kabila nito, nakita ng PSA ang pagtaas ng inflation rate sa ilang commodity group gaya ng education services, housing, water, electricity, gas and other fuels, rental, at mga pagkaing kinakain sa mga restaurant, café at karenderya.

Dahil dito, ayon kay Mapa, posibleng bumilis muli ang inflation sakaling aprubahan ngayong Setyembre ang mga hirit na taas-pasahe.

Facebook Comments