Inflation rate nitong Hunyo, bumagal sa 3.7% —PSA

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority na bumagal ng 3.7% ang headline inflation rate sa bansa nitong buwan ng Hunyo. mas mababa ito ng 0.2% mula sa 3.9% na naitala noong Mayo

Ayon kay PSA National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa ang mga dahilan na nakapag-ambag sa pagbaba ng inflation rate ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels; mas mabagal na pagtaas ng presyo ng transport; pati na rin sa presyo ng restaurants and accommodation services.

Sa kabilang banda, naitala naman ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at inumin nitong Hunyo kumpara noong buwan ng Mayo na siyang may pinakamalaking ambag sa overall inflation para sa buwan ng Hunyo.


Bagama’t bumaba, mas naramdaman ng bottom 30% income households noong nakaraang buwan ang inflation rate nang 5.5%.

Sa ngayon, nasa 3.5% na ang average inflation rate sa unang anim na buwan ng 2024.

Facebook Comments