Inflation rate nitong Hunyo, posibleng bahagyang bumilis

Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi aabot sa 2% ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa noong Hunyo.

Batay sa projection ng BSP, inaasahang papalo sa 1.1 hanggang 1.9% ang inflation nitong nakalipas na buwan.

Nakaapekto naman dito ang mas mataas na presyo ng karne, gulay, petrolyo, at paghina ng halaga ng piso.

Sa kabila niyan, posibleng hatakin pa rin ito ng mas murang presyo ng bigas, isda, at mga prutas maging ang mababang singil sa kuryente.

Noong Mayo, pumalo sa 1.3% ang inflation na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Tiniyak naman ng BSP na gumagawa sila ng hakbang para mapanatiling mababa ang presyo ng mga bilihin sa pamamagitan ng mga monetary policy.

Facebook Comments