Bahagyang bumagal ang antas ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4.6% ang inflation rate noong nakaraang buwan na mas mababa sa 4.8% na naitala noong Setyembre.
Dahil dito, naitala ng PSA ang year-to-date average na 4.5%, mas mataas pa rin sa target ceiling ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
Ayon kay PSA Chief at National Statistician Dennis Mapa, kabilang sa dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 5.3% inflation at 89.0% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Facebook Comments