Bumagal ang “headline inflation” o antas ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Oktubre 2023.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), matapos ang dalawang magkasunod na buwan na mabilis ang paggalaw pataas ay pumalo ngayong Oktubre sa 4.9 percent ang inflation rate.
Ayon kay PSA Chief Claire Dennis Mapa, malaki ang ibinaba ng October inflation kumpara sa naitalang 6.1 percent noong Setyembre at 7.7% inflation rate noong October 2022.
Mas mababa rin ito sa 4.7% inflation rate noong buwan ng Hulyo at sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 5.1 hanggang 5.9%
Dahil dito, ang average inflation mula Enero hanggang Oktubre ay nasa antas na 6.4%.
Sinabi ni Mapa, ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Oktubre 2023 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.
Partikular dito ang pagbagal ng galaw ng presyo ng gulay, kamatis at bigas.