Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority o PSA na lalo pang bumilis ang antas ng pagtaas ng pangunahing bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan.
Ayon kay PSA National Statistician at Civil Registrar Usec. Dennis Mapa, pumalo sa 5.3% ang inflation noong Agosto.
Paliwanag ni Mapa, mas mataas ito sa 4.7% na naitala noong July 2023.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation noong Agosto 2023 ay ang food and non-alcoholic beverages at transport.
Sa food and non-alcoholic beverages, nananatiling mataas ang presyo ng bigas, kamatis at tilapia.
Habang sa transport naman ay nadagdag sa pagtaas ng inflation ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.
Facebook Comments