Inflation rate noong buwan ng Agosto, bahagyang bumilis

Bahagyang bumilis ang inflation rate ng bansa o ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa dating 0.9% na inflation rate noong Hulyo, ay naging 1.5% ito nitong Agosto.

Pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga food at non-alcoholic beverages na may 69.3% na ambag sa kabuuang inflation rate.

Partikular na rito ang ilang uri ng gulay, isda at ibang seafoods.

Kabilang pa rito ang mas mabagal sa pagbaba ng presyo ng transport na nasa 25.6% na ambag sa inflation rate partikular na ang mabagal na pagbaba ng presyo ng petrolyo at mataas na pasahe sa barko.

Facebook Comments