Inflation rate noong Hunyo, tinatayang papalo sa 5.7% hanggang 6.5% — BSP

Posibleng pumalo sa 5.7% hanggang 6.5% ang inflation rate noong buwan ng Hunyo 2022.

Bahagya itong mataas kumpara sa 5.4% noong buwan ng Mayo.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), patuloy na nakakaapekto sa inflation ang mataas na domestic oil prices, mataas na presyo ng kuryente, pagkain, at ang pagbaba ng halaga piso.


Ang mga naturang inflationary pressures ang siyang nagtutulak pataas sa inflation rate ng bansa.

Gayunpaman, bagama’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ay hindi naman tataas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) at isda.

Tiniyak naman ng BSP na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa mga “emerging price development” upang agad silang makapagsagawa ng intervention upang maiwasan ang epekto nito.

Facebook Comments