Inflation rate noong Marso, bahagyang bumagal; ekonomiya ng bansa, inaasahang makakabangon na dahil sa CREATE bill – ayon sa isang ekonomista

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin noong buwan ng Marso.

Ito ay matapos na bumaba sa 4.5 percent ang inflation rate ng bansa mula sa 4.7 percent noong Pebrero ayon sa Philippine Statistics Authority.

Kaugnay nito, nananatili naman na mas mataas ang inflation ngayong taon kumpara sa target ng gobyerno na 2 percent hanggang 4 percent.


Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pagbaba ng inflation ay bunsod ng mabagal na pag-galaw ng presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages.

Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ng ekonomista na si Professor Astro del Castillo na malaki ang maitutulong ng pagkakapasa ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE bill.

Paliwanag ni Castillo, mas makakaakit tayo ngayon ng mga foreign investors na magdadala ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at magbabangon sa ekonomiya.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso ang CREATE bill na layong ibaba ang corporate income tax sa 25 percent mula sa 30 percent at magkaroon ng reporma sa incentive system ng mga kumpanya.

Facebook Comments