Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa antas na 2.3 percent nitong Setyembre 2020.
Ito’y mula sa 2.4 percent na naitala noong Agosto.
Katumbas ito ng 2.5 percent year-to-date average inflation para sa taong 2020.
Resulta ito ng pagbagal sa presyo ng pagkain sa National Capital Region
Kabilang sa mga bumabang presyo ay ang mais na may 7.0 percent; isda, kagaya ng lapu-lapu at dalagang bukid, 0.2 percent; at gulay, tulad ng talong at sayote, 4.2 percent.
Bukod sa NCR, nakapagtala rin ng mababang inflation ang Davao Region na may 0.8 percent.
Apat na pangkat ng pagkain na nagpakita ng pagtaas ng presyo ngunit sa mas mabagal na antas, kabilang dito ang cereals, flour, cereal preparation, bread, pasta at iba pang bakery products, kagaya ng cupcake.